PANGULONG DUTERTE, NANAWAGAN SA PUBLIKO NA MAHIGPIT NA SUMUNOD SA ECQ RULES

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong gabi sa mga Filipino na mahigpit na sumunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa gitna ng coronavirus disease 2019 o covid 19 crisis.

Sa kanyang televised address, Binigyan diin ng pangulo na maging siya ay hindi makauwi sa kanyang hometown sa Davao dahil sa lockdown na ipinatupad ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte.

“Alam kong lahat sabik na sabik kayo. Ako rin hindi makauwi. Hindi ako pinapayagan ng mayor doon makapunta. Walang eroplanong maka-landing sa Davao City,” ani Duterte.

“Sundin lang natin. Ako mismo, gusto kong umuwi, birthday ng anak ko, apo ko, partner ko, hindi nga ako makasakay ng eroplano kasi you are not allowed to land, that’s the problem,” he added. “Kasi nga ‘yon ang patakaran niya to protect the people of Davao City.” Dagdag pa ng pangulo.

Ang hindi aniya sumunod at maging pasaway sa panuntunan ng ECQ ay hindi malayong magkasakit o mahawaan ng virus.
“Pagdating ng panahon, magpa-ospital ka tapos ako pa ang pagastusin mo eh ginusto mo ‘yan,” saad pa ni Duterte. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap