PANGULONG DUTERTE, NAKAKUHA NG RECORD-HIGH “EXCELLENT” SATISFACTION RATING

NAKATANGGAP si Pangulong Rodrigo Duterte ng record-high satisfaction rating noong ika-apat na quarter ng 2019, batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong December 13-16, 2019, nakakuha si Pangulong Duterte ng “excellent” net satisfaction rating na +72, mataas ng 7 puntos mula sa kanyang “very good” +65 rating noong Setyembre ng nakaraang taon.

Sa 1,200 respondents, 82 percent ang nagsabing kontento sila sa trabaho ni Duterte bilang Punong Ehekutibo habang 10 percent ang hindi kontento at 8 percent ang undecided.
Kabilang din sa itinanong sa survey ang mga pangako ni Pangulong Duterte at alin sa mga ito ang sa tingin nila ay matutupad.

16 percent ang sumagot ng “all or nearly all”, 36 percent ang sumagot ng “most”, 42 percent ang sumagot ng “few” at 5 percent ang sumagot ng “none or almost none.”

Umaasa naman ang 52 percent ng respondednts na matutupad ang “nearly all/most” sa mga pangako ng Pangulo, mataas ng 4 points kumpara sa 48 percent noong December 2018.

Lumitaw din sa December 2019 survey na 72 percent ng respondents ang nag-aalala sa kalusugan ng Pangulo habang 28 percent ang nagsabing hindi sila nababahala. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap