PANGULONG DUTERTE, NAG ALOK NG P20-M REWARD PARA SA MAKAKABUO NG LOCAL RESPIRATORS

Nag alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng 20 million pesos reward para sa kahit sinumang pinoy na makakapag-develop ng local respirators para sa coronavirus disease 2019 o COVID 19 patients.

Sa televised briefing, Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nagkukulang na ang mga respirators dahil sa pagtaas ng bilang ng COVID-19 patients.

“Nagbigay din po ang pabuya ang ating President, P20 million para sa kahit sinumang Filipino na makakabuo ng local respirator na ang sabi niya ay dapat naman could outlast the life of the patient. Ito po ay dahil may kakulangan talaga sa mga respirators,” saad ni Roque.

Una nang nag alok si Pangulong Duetrte ng 50 milyong pisong pabuya sa makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID 19. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap