PANGULONG DUTERTE, MAGBIBIGAY NG PUBLIC ADRESS MAMAYANG GABI

Magbibigay ng kanyang public address si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga quarantine measures at desisyon nito sa modified enhanced community quarantine (MECQ) na umiiral sa Metro Manila at sa iba pang high-risk areas sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang public address ng pangulo ay mamayang gabi.

“PRRD (Duterte’s initials) will announce tonight,” saad ni Roque.

Base sa sinasabing di umano’y kopya ng memo na umiikot ngayon sa online, ang Metro Manila ay ilalagay na sa ilalim ng GCQ mula June 1 hanggang 15.

Ang IATF ay ang policy-making body ng gobyerno na nangangasiwa at tumutugon sa COVID 19 pandemic.

Sa pulong noong Martes ng Metro Manila Council na binubuo ng mga alkalde, napagkasunduan nila na ang rehiyon ay dapat nang isailalim sa GCQ mula MECQ upang payagan ang mga negosyo na muling makapag-operate (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap