PANGULONG DUTERTE AT SEN. GO, NEGATIBO SA COVID-19

NEGATIVE sa COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duuterte, ,ayon sa kanyang dating aide na si Senador Bong Go.

Sinabi ni Go na maging siya ay negatibo rin sa COVID-19 inspection, matapos ang ginawa sa kanilang pagsusuri noong Huwebes ng hapon.

“The results of the tests for COVID-19 conducted on President Rodrigo Duterte and I turned out negative. We are fit and healthy to perform our duties,” saad ng Senador.

Ayon naman kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nangangahulugan ito na walang makapipigil sa Punong Ehekutibo na gampanan ang kanyang tungkulin na pagsilbihan at alagaan ang taumbayan, lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa panganib na dala ng nakamamatay na sakit. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap