PANGULONG DUTERTE AT ILANG MIYEMBRO NG GABINETE, NA-EXPOSED SA PASYENTENG MAY COVID-19

SASAILALIM si Pangulong Rodrigo Duterte sa testing para sa bagong coronavirus habang ilan sa kanyang miyembro ng Gabinete ay nag self-quarantine.

Ito’y matapos silang ma-exposed sa isang indibidwal na nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) nang mag-inspeksyon sila sa isang road project noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga dumalo sa inspection at presentation ng North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link Circumferential Road 3-Circumference 10 sa Caloocan City noong March 5 kung saan naroon din ang taong nagpositibo sa COVID-19 ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez, Transportation Secretary Arthur Tugade, at Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno.

Magpapa-test si Pangulong Duterte para sa COVID-19 ngayong Huwebes, kasama ang kanyang dating aide na si Senador Bong Go na dumalo rin sa seremonya.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagpasya sina Pangulong Duterte at Senador Go na sumailalim sa testing upang matiyak na fit at healthy sila para gampanan ang kanilang tungkulin bilang government workers.

Si Budget Secretary Wendel Avisado, na bagaman wala sa event noong March 5, ay nag self-quarantine matapos makasalamuha si Dominguez sa isang economic cluster development meeting noong Martes. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap