PALARONG PAMBANSA KANSELADO DAHIL SA COVID 19

Inanunsyo ng tanggapan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na kanselado na ang Palarong Pambansa 2020.

Ito ay matapos na makumpirma na isa sa apat na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ay residente ng lungsod ng Marikina.

Nakatakda sanang gawin sa Marikina Sports Center ang Palarong Pambansa 2020 mula Mayo 1 hanggang Mayo 9.

Wala pang inaanunsyo na alternatibong plano o petsa kung kailan gagawin ang nasabing palaro. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap