PAGTAKBO SA KONSEHO NI GABY IGNACIO, SUPORTADO NG MGA OPISYAL NG MAYBUNGA

Suportado ng mga opisyal ng Barangay Maybunga, Pasig City ang pagtakbo sa konseho ni Gaby Ignacio sa halalan sa susund na taon.

Sa pangunguna ni Barangay Maybunga Captain Barok Alvarez, tiniyak nito ang suporta ng local executives sa marketing at public relations practitioner na si Ignacio para manalo bilang konsehal ng Pasig City.

Ito ang kauna-unahang pagkandidato ni Ignacio sa public office subalit solido ang exposure nito sa serbisyo publiko dahil pamangkin siya ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

“Gaby knows a lot about taking care of people because she grew up with me going around the provinces to deliver basic services to our needy countrymen,” sabi ni Recto, na tatakbong unopposed bilang kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas.

Sinabi naman ng political consultant na si Gewang Ignacio, na ama ni Gaby at pinsan ni Recto, na malaki ang puso ng kanyang anak para sa mahihirap na Filipino na nakasalamuha nito sa murang edad.

Kaya naman hindi na nakakagulat kung bakit aktibo si Gaby sa maraming humanitarian activities, na ang pinakabago ay ang pantry na inorganisa ng isang civic group sa pangunguna ng church leader na si Bhoy De Jesus.

Habang abala sa kanilang panty project na tinawag na ‘Ismolilit’ nitong mga nakalipas na araw, napansin si Gaby ni Alvarez at mga barangay kagawad na sina Ren Concepcion at Erwin Alvarez.

Nang malaman na tumatakbong konsehal si Gaby ay agad tiniyak ng mga lokal na opisyal ang kanilang suporta sa mga plano nito sa politika.

Bilang pakikiisa sa adhikain ni Pasig City Mayor Vico Sotto, tiniyak ni Gaby na AB Communication degree holder mula sa Ateneo De Manila, ang kanyang suporta sa mga programa ng alkalde sa good governance at social welfare, na aniya’y kapaki-pakinabang sa mga mamamayan ng Pasig. ###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap