PAGSUSUOT NG MAONG AT MINISKIRTS, IPINAGBAWAL NG SC SA MGA HUKOM AT STAFF

BAWAL na ang casual wear sa mga hukom at court personnel.

Sa memorandum, ipinag-utos ni Chief Justice Diosdado Peralta ang dress code na dapat sundin ng lahat ng trial court judges at kanilang staff members.

Kabilang sa ipinagbabawal isuot ay maong na pantalon at walang kuwelyong kamiseta sa mga lalaki; at miniskirts, see through blouses, strapless, sleeveless o blusang maluluwag ang neckline sa mga babae.

Bawal din ang open-toe sandals, rubber shoes, tsinelas, at bakya, maging ang mahahaba at nakalugay na buhok, hikaw at iba pang burloloy sa katawan para sa kalalakihan.

Sinabi ni Peralta na ang mga hukom sa metropolitan trial courts, municipal trial courts at regional trial courts na magsasagawa ng hearing ay dapat naka-business attire, gaya ng long-sleeved barong o coat and tie para sa mga lalaki.

Hanggang tuhod naman dapat ang palda ng mga babaeng hukom subalit papayagan namam ang one inch above the knee.

Ginawa ng Punong Mahistrado ang memo kasunod ng mga reports at sariling obserbasyon nito na ilang hukom at personnel ang hindi sumusunod sa tamang gawi at kasuotan habang nasa korte. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap