PAGPULL-OUT SA POGO, MALIIT LANG ANG EPEKTO SA EKONOMIYA – BSP

INAMIN ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na hindi siya pabor sa patuloy na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa gitna ito ng hinihinalang money laundering activities na kinasasangkutan ng Chinese nationals na may kaugnayan sa POG sector.

“Hindi naman ganun kalaki ang impact nung [POGO],” ani Diokno.

“Alam mo ang real estate implication pala niyan nire-require pagka mga POGO operation… nire-require usually ang practice one year deposit. Halimbawa, they decide to leave merong one year deposit so hindi immediate ang impact on real estate,” paliwanag pa nito.

Sinabi ni Diokno na siya ring chairman ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na kung titimbangin ang “benefit and cost” ng online gambling sector sa ekonomiya, hindi siya pabor na ituloy pa ang kanilang operasyon.

“Kasi meron ding negative effect eh… prostitution, criminality… tsaka ‘yung problem sa AMLC negative din ‘yun sa atin,” saad ng central bank chief.

Sa pagdinig ng Senado sa umano’y dirty money na pinasok sa bansa ng Chinese nationals, sinabi ni AMLC Executive Director Mel Georgie Racela na ang net inflow mula sa POGO ay P7 billion na 0.29% lamang ng P18.6 trillion na halaga ng ekonomiya ng Pilipinas. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap