PAGPAPALAWIG SA BAYANIHAN ACT, POSIBLENG IPASA SA SUSUNOD NA LINGGO

Inihayag ni Senator Sonny Angara na maari nang maipasa sa susunod na linggo ang extension ng Bayanihan to Heal As One Act (RA 11469), na nagbibgay ng karagdagang kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero paglilinaw ni Angara, ito ay kung sesertipikahan bilang urgent ng pangulo.

Dagdag pa ng senador na hindi pinapayagan ang Senado na makapagsagawa ng special session sa gitna ng sine die adjournment.

Matatandaan na noong nakaraang linggo nang ihain ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang panukala na pinapalawig ng mataas na kapulungan ang effectivity ng Bayanihan Act sa loob pa ng tatlong buwan, para matulungan ang mga sektor na apektado ng COVID-19 pandemic.

Pinuri naman ng Malacañang ang paghahain ng naturang panukala.

Ang Bayanihan law ay naaprubahan sa pamamagitan ng marathon session na inabot ng madaling araw noong March 24 at agad nilagdaan ni Duterte upang maging ganap na batas noong March 25. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap