PAGHAHATID PROBINSYA SA 2ND BATCH NG LOCAL STRANDED INDIVIDUALS, KASADO NA SA JUNE 25

Bumiyahe na kaninang umaga ang 115 mga locally stranded individuals; ang unang batch ng mga Local Stranded Individuals (LSIs) na napauwi sa kani-kanilang mga probinsya sa tulong ng Philippine National Railways at Office of the President.

Isinailalim muna sa rapid testing ang mga ito bago isakay sa tren kaninang alas 3 ng madaling araw at ang mga nag-negatibo lamang sa COVID-19 at mayroong medical clearance ang pinayagang bumyahe.

Binigyan ang mga ito ng pagkain ng PNR at ng Office of the President at nakatanggap din ng P2,000 cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Atty. Criselda Ecalnea ng PNR, sa June 25 naman itinakda ang pagpapauwi sa ikalawang batch ng mga LSIs at inaasahang 150 LSIs ang makakabyahe.

Nakipag-ugnayan ang PNR sa mga LGUs at barangays sa Metro Manila para matukoy ang mga LSIs na kailangan nang makauwi sa kanilang mga lalawigan, 600 LSIs ang kasama sa unang listahan ng PNR.

Aniya, tatlo ang drop-off points ng mga PNR trains dalawa sa Camarines Sur at isa sa Ligao Station sa Albay.

Tiniyak ng railway company na hangga’t mayroong mga LSIs na stranded sa Metro Manila, itutuloy nila ang Hatid Probinsya program. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap