PAGBUBUKAS NG KLASE, ITINAKDA SA AUGUST 24 NG DEPED

Sa Agosto 24 magbubukas ang klase para sa school year 2020-2021.

“Ang napili nating school opening date ay August 24,” ayon ito kay DEPED Secretary Leonor Briones.

Matapos aniya ang kanilang malawakang consultation ang ating napiling petsa ay sa August 24, 2020, ngunit hindi ibig sabihin ay pisikal na papasok ang mga mag-aaral, maaring virtual ito gawin.

“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,” saad ni Briones.

Ipinaliwanag ni Briones na gagawin ang pag-aaral sa pamamagitan ng online o virtual set-up, gayundin sa telebisyon at radyo lalo sa mga malalayong lalawigan na walang internet connection o walang access sa telebisyon.

Matatapos naman ang susunod na school year sa Abril 30, 2021.

Inanunsyo din ng kalihim ang kanselasyon ng mga school-related activities kabilang ang Palarong Pambansa, talent contests at Brigada Eskwela. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap