PAG-IBIG AT PAG-ASA, MAS MABILIS KUMALAT KUMPARA SA VIRUS

Sa halip na maingay at masayang pagsalubong sa Chinese Spring Festival ngayong taon, kakaibang katahimikan ang bumalot sa Wuhan City, sa China.

Walang ingay at wala ring trapik sa mga kalsadang karaniwan ay masikip.

Mistulang may pumindot sa “pause” button kaya nakatigil ang lahat.

Walang laman ang mga lansangan at nag-iiwasan ang mga tao dahil sa kinatatakutang novel coronavirus.

Marami ang nagtatanong kung hanggang kailan bago nila tanggalin ang kanilang masks at makipagkumustahan sa kanilang kaharap.

Mula Wuhan, kumalat ang epidemya sa buong China subalit sa kabila nito ay batid ng mga Tsino ang kanilang responsibilidad.

Suportado ng buong bansa ang Wuhan at patuloy na pinalalakas ang loob ng bawat isa sa paglaban sa nakamamatay na virus.

Taglay sa kanilang isipan na mas mabilis kumalat ang pag-ibig at pag-asa kumpara sa virus.

Handa ang mga doktor na isakripisyo ang sariling buhay makapagligtas lamang ng mga pasyenteng tinamaan ng virus, maging ang mga construction worker na nagtayo ng mga ospital sa napakaikling panahon sa gitna ng banta ng epidemya.

Walang puwang ang takot dahil batid nilang pagkatapos ng pagsubok na ito ay muling makababangon ang Wuhan at magbabalik ang dati nitong ingay at sigla. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap