PAG ALIS SA NATIONWIDE STATE OF EMERGENCY, PINAG AARALAN NG JAPAN

Pinag-iisipan na ng pamahalaan ng Japan ang tuluyang pagtatanggal ng nationwide state of emergency na nakatakdang magtapos sa katapusan ng Mayo.

Nakatakdang pag-usapan ang nasabing usapin sa isasagawang pagpupulong ng mga expert panel sa Huwebes kung saan inaasahang isasama sa criteria ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kada linggo.

Titingnan din ng Japan kung kayang asikasuhin ng mga regional medical arrangements ang malalang kaso ng virus at kung ang bawat prefectures ay may maayos na COVID-19 testing systems.

Sinabi ni Economic Revitalization Minister Nishimura Yasutoshi na nakahanda ang Japanese government na bawiin ang emergency declaration mula sa 34 na prefectures ng bansa.

Hindi naman makakasama rito ang Tokyo dahil nakapagtala ito ng 22 bagong kaso ng COVID-19. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap