P17-M INI-RELEASE NG PNP PARA SA COVID-19 TESTING CENTER SA CEBU

ABOT kamay na ang ikalawang COVID-19 Testing Center ng Philippine National Police (PNP) na itinatayo sa Cebu City.

Ito, ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Adminisrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, PLt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan ay dahil nai-release na ng PNP ang pondo para sa pagpapatayo ng nasabing pasilidad.

Aniya, aabot sa P17 million ang inilaan ng PNP para sa gusali, laboratory equipment, RT-PCR scanner, furniture and fixtures at maging pantustos sa training ng mga technician o personnel ng RT PCR Test Center.

“The fund (P17 million) for the procurement of machines and equipment for the Cebu RT-PCR Laboratory was already released to Police Regional Office (PRO) -7”, ayon kay Cascolan.

Paglilinaw pa ni Cascolan na kasama sa nasabing halaga ang furniture and fixtures ng pasalidad na katabi ng Special Weapon and Tactics (SWAT) building sa loob ng Camp Sotero Cabahug sa Cebu City.

Una nang pinamadali ni PNP Gen
Archie Francisco Gamboa ang pagtatayo ng kanilang ikalawang RT-PCR Testing Center bunsod ng sumirit na kaso ng coronavirus sa mga pulis sa nasabing Region 7.

Ang unang RT-PCR Testing Center ng PNP ay nasa loob ng Camp Crame na pinasinayaan noong Mayo.

Dagdag pa ni Cascolan na on process na rin ang permit at lisensiya para sa nasabing pasilidad.

Inaasahan din aniya na makaraang maitayo ang RT PCR Test Center sa Cebu ay isusunod naman ang sa Davao City at sa Cagayan de Oro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap