OPTOMETRIST, ARESTADO DAHIL SA PAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS SA COVID-19

Arestado ang isang optometrist sa Cebu dahil sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-2019).

Ayon kay Philippine National Police spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, ang optometrist na nakabase sa Mandaue City ay tinukoy bilang author ng Facebook na nagpost na may COVID-19 patient na namatay sa University of Cebu Medical Center.

Sinabi naman ni Banac na nagsagawa ng fact checking ang PNP Anti-Cybercrime Group VII sa nasabing usapin at nadiskubre na ang impormasyong na ipinost ng optometrist ay walang katotohanan.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang optometrist ng paglabag sa Article 154 of the Revised Penal Code in relation to Section 6 and Section 4 (c) 4 (Online Libel) of the Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Samantala, patuloy pa rin ang PNP sa paghahanap sa mga indibwal na nagpapakalat ng fake news kaugnay sa coronavirus.

Kasabay nito muling nanawagan sa publiko ang PNP na iwasang mag-post ng mga hindi beripikadong impormasyon sa social media para maiwasan ang paglikha ng panic at kalituhan sa publiko kaugnay sa covid-19 (Jane Manalastas).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap