OPISYAL NG OCD, SINIBAK SA PWESTO NI PANGULONG DUTERTE DAHIL SA “LACK OF TRUST AND CONFIDENCE.”

Sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opisyal ng Office of Civil Defense (OCD) dahil sa kawalan ng kompyansa at tiwala.

Tinukoy ni Presidential spokesperson Harry Roque ang official na si OCD Deputy Administrator Kristoffer “Toby” Purisima.

“Meron pong announcement na tinanggal po sa puwesto si Assistant Secretary Kristoffer ‘Toby’ Purisima for lack of trust and confidence,” saad ni Roque.

“Ang OCD po siyempre nasa ilalim din yan ng DND (Department of National Defense). Yan po ay kabahagi ng response natin sa mga crisis. Yung opisina po niya ay at the forefront in providing assistance kung merong calamity. At meron rin pong papel yung opisina niya dito sa COVID-19 [issue] dahil kabahagi ito ng government response,” dadgdag pa ni Roque.

Ayon kay Roque, wala pang napipili si Pangulong Duterte na papalit kay Purisima.

Wala pa ring komento ang OCD sa dahilan ng pagkakasibak kay Purisima. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap