NTC, PINAIIMBESTIGAHAN ANG PRO-BONGBONG “EMERGENCY ALERT”

Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pag-iimbestiga sa emergency alerts na nagsulputan habang naghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Inatasan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba si Director Imelda Walcien ng Regulation Branch na agad magsumite ng report at rekomendasyon pagkatapos makumpleto ang kanilang imbestigasyon.

Nagkaroon ng emergency alerts sa mga mobile phones sa Sofitel Hotel sa Pasay City, hindi para sa lindol o bagyo, kundi para suportahan si Marcos. ####

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap