NTC, PINAGPAPALIWANAG NG KAMARA SA GINAWANG PAGPAPATIGIL SA OPERASYON NG ABS CBN

Ipinag utos ng House committee on legislative franchise sa mga official ng National Telecommunications Commission (NTC) na magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat i-cite for contempt matapos ihinto ng komisyon ang broadcast operations ng ABS CBN.

Sa inilabas na kautusan noong May 5 ni Palawan Rep. Franz Alvarez, chairman ng House committee on legislative franchises, binigyan nito ng 72 hours ang NTC para magpaliwanag sa nasabing usapin.

Binigyan diin pa ni Alvarez, ang ginawa ng NTC ay nagdulot ng “undue interference” at maituturing na “disobedience” sa Kamara.

“The act of the NTC constitutes undue interference on and disobedience to the exercise of the power of the House of Representatives, and therefore, an affront to its dignity and an inexcusable disrespect of its authority,” ani Alvarez.

Kabilang sa pinagpapaliwanag sina NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, Deputy Commissioner Edgardo Cabarios, Deputy Commissioner Delilah Deles, at Legal Branch Head Ella Blanca Lopez. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap