NTC, INATASAN ANG LAZADA, SHOPEE AT FACEBOOK NA ITIGIL ANG PAGBEBENTA NG SMS BLAST MACHINES

Naglabas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng show cause order at cease and desist order laban sa Lazada, Shopee at Facebook.

Kaugnay ito sa pagbebenta ng text blast machines, at iba pang kaparehong equipment na makikita sa Lazada, Shopee at sa online shopping platform ng Facebook na Marketplace.

Nakasaad sa kautusan na walang ibinigay na otorisasyon ang NTC para mag-import, gumawa, magbenta o magpalaganap ng nasabing kagamitan.

Samakatuwid, ang pagbebenta ng naturang equipment ay maituturing na paglabag sa Republic Act 3846 o Radio Control Law.

Inatasan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang mga kinatawan ng Lazada, Shopee at Facebook na humarap sa komisyon sa October 27, 10:00 ng umaga.

Pinagsusumite rin ni Cordoba ng paliwanag ang tatlong kumpanya sa loob ng 15 araw pagkatanggap nila ng kautusan, kung bakit hindi sila dapat managot.

Inatasan din ng NTC ang Lazada, Shopee at Facebook na agad itigil ang pagbebenta ng text blast machine at iba pang kahalintulad na produkto. (LSR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap