NOVA PAROJINOG IPINALILIPAT NG KORTE SA BJMP FACILITY

IPINAG-UTOS ng korte ang paglipat kay dating Ozamiz City vice mayor Nove Princess Parojinog sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility para sa mga high-risk inmates.

Kinatigan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 95 ang motion ng prosecutors na ilipat si Parojinog mula sa Philippine National Police Custodial Center (PNPCC) patungong Special Intensive Care Area (SICA) ng BJMP sa Bicutan, Taguig City.

Ipinag-utos ito ng korte sa kabila nang pagtutol nito sa alegasyon ng prosekusyon na nakatatanggap ng special treatment si Parojinog sa PNPCC.

“Verily, this Court does not find any necessity for the continued detention of accused Parojinog in a custodial facility, unless there is a clear showing that the same poses existing serious threats and/or that BJMP-SICA does not have adequate resources to sustain the detention [of] high-risk detention prisoners, such as accused Parojinog,” saad ng korte.

Nahaharap si Parojinog sa mga kasong illegal possession of firearms at dangerous drugs.

Si Nova Princess ay mula sa pamilya ng mga politiko na inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.

2017 nang mapaslang sa police raid ang kanyang ama na si noo’y Ozamiz mayor Reynaldo Parojinog Sr., kanyang ina at 13 iba pa. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap