‘NO TOUCH’ POLICY KAY PRRD, IPATUTUPAD NG PSG

MAHIGPIT na ipatutupad ng Presidential Security Group (PSG) ang ‘no touch’ policy kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito, ayon kay PSG commander Colonel Jesus Durante, ay upang maprotektahan ang Pangulo at pamilya nito sa gitna ng banta ng nakamamatay na coronavirus disease (COVOD-19).

Dahil sa polisiya, asahan na ng mga personalidad na lalapit sa Presidente, lalo na sa mga meeting at events, dadaan muna sa screening para sa anumang sintomas na may kaugnayan sa COVID-19.

“These include PSG personnel, politicians, and dignitaries. Large crowd gatherings with President Duterte as guest of honor and speaker shall be assessed and could be canceled not only for his safety but also for the attendees,” ani Durante.

“All established health protocols and preventive measures are continuously in effect to all PSG personnel and the whole Malacañang Complex.” dagdag pa nito.

Inoobliga ngayon ng Malacañang ang mga bisita na sabihin ang detalye tungkol sa kanilang kalusugan at travel history sa gitna ng coronavirus outbreak.

Inatasan din ng PSG ang kanilang personnel na naka-deploy saMalacañang Complex na magsuot ng face masks.

Sa ngayon ay 10 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap