NO FACE SHIELD, NO ENTRY SA CAMP CRAME

EPEKTIBO sa Lunes, Agosto 17, ipatutupad na rin sa Camp Crame at sa mga tanggapan nito ang “no face shield, no entry policy”.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support To COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ito ay bahagi ng kanilang pinaigting na pag-iingat upang pigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa police force.

Pagtugon din aniya ito sa kautusan ng Inter-Agency Task Force na mandatory na ang pagsusuot ng face shield kapag nasa labas lalo na ang pagsakay sa public transport na naging epektibo kahapon, Agosto 15.

Sa isang panayam kay PNP Gen. Bernard Banac, sinabi nito na ipatutupad ang paggamit ng face shield sa mga personnel gayundin sa bibisita sa kampo ay naglalayon na maging ligtas mga pulis at ang mga bibisita sa kampo.

Bukod sa panibagong hakbang, nanawagan ang liderato ng PNP na sundin ang health protocols upang maproteksiyonan ang kalusugan.

Panawagan naman sa mga bibisita na tiyakin na walang karamdaman, magpasailalim sa triage at mag-fill up nang tama sa contact tracing form upang makaiwas naman sa hawa ang mga pulis na humaharap para sa kanilang pangangailangan.

“We appeal to all to observe health protocols for the sake of eveyone’s safety againts the contagion, ” ayon kay Cascolan.

Kahapon ay nag-isyu rin ng advisory si Headquarters Support Service Director, PBGen. Alexander Sampaga na nananatili ang 10PM – 5AM curfew.

Pinalipat din ang mga tanggapan mula sa North Wing ng Camp Crame patungo sa may Oval Transformation Area.

Epektibo rin kahapon, Agosto 15, ang daily triage para sa PNP personnel na gagawin sa North Wing area. EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap