NEW CLARK CITY ATHLETE’S VILLAGE, MAGSISILBING QUARANTINE AREA PARA SA MGA REPATRIATED OFW MULA HUBEI, CHINA.

Ang New Clark City Athlete’s village ang pinili ng Department of Health (DOH) ang bilang quarantine area ng mga Overseas Filipino Worker na uuwi sa bansa mula Wuhan City, China.

Nasa 45 na Pilipino ang inaasahang darating sa bansa mula sa nasabing lugar sakay ng isang chartered flight sa darating na Febrero 9.

Itoy matapos ang isinagawang inspeksiyon ng DOH Bureau of Quarantine sa nasabing pasilidad.

Paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na batay sa procedure, 1 room per patient o OFW ang ibibigay na may family of three capacity ng kwarto.

Komportable pa rin naman aniya ang mga pasyente dahil kumpleto sa kagamitan ang kwarto gaya ng tv set, refrigerator, airconditioning unit.

Hindi papayagang magluto ang mga inoobserbahang pasyente, bagkus isi-serve nalang ang kanilang mga pagkain.
May mga nakaantabay din na mga doktor at health workers sa lugar para asikasuhin ang pangangailangan ng mga pasyente.

Samantala, inabisuhan na rin ng DOH ang lahat ng DOH hospital sa rehiyon na makipag-ugnayan para sa pangangailangan ng mga pasyente gaya ng hygiene kit, disinfectant solutions at iba pang bagay.

Nilinaw ni Duque na maigting ang ipatutupad na quarantine sa mga OFW bilang prayoridad ito ng pamahalaan.

Habang agad na sasaluhin ng DFA at OWWA ang pangangailangan ng mga OFW pagkatapos ng kanilang 14 day quarantine period.

Sa ngayon nasa lugar na ng Wuhan, China ang ilang kinatawan ng Department of Foreign Affairs para tingnan ang huling kaganapan sa mga Pinoy workers doon.

Samantala, bukas pa ang pamahalaan sa mga Pilipino na nais pang umuwi sa bansa mula Hubei, China. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap