NBA LEGEND KOBE BRYANT, PATAY SA HELICOPTER CRASH

Patay ang tinaguriang NBA legend na si Kobe Bryant matapos mag crash ang sinasakyan nitong Sikorsky S-76 helicopter sa Calabasas, California.

Kasama rin sa nasawi ang anak ni Bryant na 13 anyos na si Gianna at pitong iba pa at mga crew.

Si Gianna ay isa sa apat na anak ni Bryant sa asawa nitong si Vanessa.

Ayon sa ulat, sakay ng kanyang private helicopter si Bryant kasama ang apat na iba pa nang bumagsak ang chopper sa bahagi ng Calabasas na ikinasawi umano ng lahat ng sakay nito.

Si Bryant ay five-time NBA champion sa kanyang career na nagsimula noong 1996 at nag retiro noong 2016.

Naglaro ang 41-anyos na si Bryant sa ilalim ng koponan na L.A. Lakers sa loob ng kanyang 20 taong karera, kung saan nakasungkit na ito ng limang NBA championships, at 18 All-Star titles bago siya nagretiro. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap