NASAWI SA NCOV SA CHINA, LAGPAS 1,000 NA; XI JINPING, BUMISITA SA OSPITAL

BEIJING – Lumagpas na sa 1,000 ang bilang ng mga namatay sa novel coronavirus sa China kasunod ng atas ni President Xi Jinping na magkaroon ng epektibong hakbang upang maresolba ang outbreak nang bumisita ito sa isang ospital.

Nakasuot ang Chinese President ng face mask at sinuri rin ang kanyang temperature nang bisitahin nito ang medical workers at mga pasyenteng tinamaan novel coronavirus na pumatay na ng 1,011 katao.

Lumobo pa ang bilang ng casualties matapos makapagtala ang Hubei province na siyang epicenter ng nCoV ng panibagong 103 deaths ngayong Martes, na pinakamataas na bilang ng mga nasawi sa loob lamang ng isang araw mula nang mag-umpisa ang virus.

Sa isang ospital sa Beijing, tinawag ni Xi ang sitwasyon sa epicenter na “still very grave” kasabay ng panawagan na magkaroon ng mas epektibong hakbang upang makontrol ang pagkalat ng nCoV.

Hindi nagpakita sa publiko si Xi mula nang kumalat ang virus sa buong bansa. Itinalaga nito si Premier Li Keqiang para pamunuan ang grupong humaharap sa outbreak. Binisita rin ni Li ang ground zero sa Wuhan noong nakaraang buwan.

Kahapon ay nagtungo si Xi sa Beijing Ditan hospital at bumisita rin ito sa isang residential community sa central Beijing. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap