NASAWI SA COVID 19 NASA 177 NA; CONFIRMED CASES UMAKYAT NA SA 3,764; 84 GUMALING MULA SA VIRUS

Nadagdagan ng 14 ang nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahil dito umakyat na sa 177 ang bilang ng nasawi sa sakit.

Umakyat naman sa 3,764 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng covid 19 matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 104 bagong kaso ng virus sa bansa.

Labing isang pasyente naman ang naitalang nakarekober matapos na dapuan ng virus kung kaya’t umakayat na sa 84 ang gumaling mula sa virus.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, 274 ng COVID 19 positive patients ay ikinokonsiderang mild cases; 9 ang severe condition habang 23 ang critical.

Patuloy aniya ang DOH sa pangangalap ng datos mula sa mga hospital sa kondisyon ng iba pang may kaso ng sakit.

Ayon kay Duque, “more or less 80 percent” ng lahat ng COVID-19 cases sa bansa ay mula sa Luzon. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap