MICHAEL V. POSITIVE SA COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Kapuso comedian na si Michael V.

Inanunsiyo ni Bitoy ang balita at idinokumento niya ito sa kanyang pinakahuling vlog na kanyang ipinost Lunes ng umaga.

Ayon sa aktor, nakaranas siya ng flu-like symptoms noong huling beses na sinubukan niyang mag-vlog.

“Siyempre nag-isolate na kagad ako, nag-quarantine na kagad ako. I took medicine nagpa-check up ako sa doctor online. I got better the following day,” aniya.

Sinabi Bitoy na may naramdaman siyang kakaiba sa kanyang nasal area at nawalan siya ng pang-amoy at panlasa.

Idinagdag pa niya na sa mga nakalipas na buwan ay istrikto ang kanilang pamilya sa pagsunod sa mga health protocol.

“We’ve been really strict about safety. ‘Yung social distancing pina-practice namin yun, yung PPEs, every time we go out and interact with other people and ‘pag lumalabas kami, normally nga halos wala talaga kaming labas eh. Very, very minimal yung times na lumabas kami,” kwento pa ni Bitoy.

Aniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung anong dapat asahan.

Inamim din niya na nag-aalala siya hindi lamang para sa kanyang sarili kundi maging sa kanyang pamilya, subalit sa pamamagitan ng dasal at awa ng Diuos ay malalampasan niya ito at magiging maayos ang lahat.

Ang pinakamahirap para sa kanya ay hindi niya mahawakan ang kanyang pamilya na kung tutuusin ay malapit lamang sa kanya.

“Nakakainis lang na ang lapit-lapit lang nila na sa kabilang kwarto lang and yet ‘di mo sila mahawakan. Hindi mo sila mahalikan. I feel bad but kaya. Hopefully, we’ll get through this and hopefully everything will be OK. We’ll see,” emosyonal na kwento ni Bitoy.

Pinaalalahanan din ni Michael V. ang kanyang viewers na hindi biro ang COVID-19. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap