MGA TUMUGIS SA 3 TERORISTA PINURI NG PNP

PINAPURIHAN ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang mga law enforcer na tumugis at nakaaresto sa Indonesian suicide bomber na si Rezky Fantasya Rullie alyas “Cici.”

Naaresto si Rullie sa tinutuluyan nitong bahay na pagmamay-ari ng Sub Leader ng Abu Sayyaf Group na si Ben Tatoo at dalawa pang babae na kasama niyang naaresto noong Sabado.

Sa panayam ng News On C kay PNP Chief, PGen. Camilo Cascolan, sinabi nito na magandang pagkakataon ang nangyari upang mapigilan ang pagkalagas ng mas maraming buhay dahil sa terrorismo.

“I congratulate the joint operatives of CIDG RFU 9, NICA 9, 35th IB who was with us, ISU 9, 37th EOD team, the Metro Jolo IATG, Jolo MPS, ‘yung 1st regional mobile force company ng sulu PPO, RIU 9 and RID BAR,” ayon kay Cascolan.

Aniya, maituturing na big score ito sa panig ng pulisya at maging sa militar dahil maraming buhay ang nailigtas.

“Nahuli nila ‘yung tatlo and imagine very big score ito because maraming lives ang na-save. What kung natuloy ‘yung mga plannned bombings nila? Maraming mamamatay, so I congratulate and commend them for an excellent job that we hope that they would be able to maintain and sustain their operations against these terrorists,” dagdag ng heneral.

Kasunod nito, umaasa si Cascolan na marami pang mga terorista ang madarakip ng mga awtoridad dahil sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra terorismo.

“Marami pa ‘yan. Mataas kasi ang morale ng mga tao that’s why tuloy-tuloy ang mga trabaho nila and we hope that we would be able to sustain the operations against the terrorists,” dagdag ni Cascolan.EUNICE C.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap