MGA STRANDED NA OFW PATUNGONG CHINA, PAPAYAGANG BUMIYAHE PAGKALIPAS NG 2 LINGGO – DOLE

MAARI pa ring bumiyahe ang mga overseas Filipino workers na strandred sa bansa bunsod ng travel sa China, maging sa Hong Kong at Macau, pagkalipas ng dalawang linggo kapag humupa ang novel coronavirus outbreak.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mag-o-obserba muna sila ng dalawang linggo at kapag walang indikasyon na lumala ang sitwasyon ay papayagan nang maka-biyahe ang mga OFW.

Makatatanggap naman ang mga OFW na hindi pinayagang maka-biyahe patungong China, Macau at Hong Kong ng P10,000 cash assistance mula sa pamahalaan.

Maari rin silang pansamantalang manatili sa halfway house ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator.

Inihayag pa ni Bello na basta active members ng OWWA ang apektadong OFWs ay hindi na kailangan pang magpakita ng pruweba ng cancelled flights para ma-avail ang assistance.

Samantala, obligado naman ang mga dumarating na Filipino mula China na sumailalim sa 14 na araw na quarantine. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap