MGA SEMENTERYO SA METRO MANILA SARADO SIMULA OCT. 29 HANGGANG NOV.4

ISASARA ang lahat ng sementeryo sa Metro Manila simula October 29 hanggang November 4 upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa panahon ng Undas.

Sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, pinuno ng Metro Manila Council (MMC), na ang naturang polisiya ay napagkasunduan ng mga alkalde sa National Capital Region sa kanilang pulong kahapon, araw ng Linggo.

Aniya, nais ng mga mayor na himukin ang mga residente sa Metro Manila na bisitahin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bago o pagkatapos ng Undas upang maiwasan ang pagsisisiksikan sa mga sementeryo.

Ipinaalala rin ni Olivarez ang minimum health protocol, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, lalo na ang physical distancing, sa mga magtutungo sa sementeryo.

May mga police personnel, marshals at barangay officials aniya na ide-deploy para mag-monitor at tiyaking nasusunod ang health protocols. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap