MGA PULIS NA NAKAREKOBER SA COVID-19 MAGDO-DONATE NG PLASMA

KASUNOD ng pagtiyak na idedeploy ng Philippine National Police ang kanilang medtech cops sa iba’i ibang ospital para tumulong sa health worker, inihahanda naman ang mga pulis na nakarekober sa Covid 19 para mag-donate ng dugo.

Ito ang kinumpirma ni PNP Deputy Chief for Administration at Admin Support TO COVID-19 Operations Task Force o ASCOTF commander Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan.

Ayon kay Cascolan, malaking tulong ang dugo ng mga nakarekober na pulis para sa convalascent plasma therapy ng mga pasyente ng COVID-19.

Paglilinaw ni Cascolan, boluntaryo ang pagdo-donate ng dugo ng mga pulis na nakarekober sa nasabing sakit.

Una nang pumasok ang PNP sa isang kasunduan sa isang ospital hinggil sa donasyon ng plasma blood.

Dagdag pa ni Cascolan, muling i-screen ang mga dugo ng mga pulis bago ipagamit para sa convalascent plasma therapy.

Batay sa datos ng PNP, as of 6PM kagabi, 1,384 na pulis ang nakarekober sa Covid-19.

Ang hakbang ng PNP ay bahagi pa rin ng kanilang pagtugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na umalalay ang pulisya sa paglaban sa COVID-19 pandemiya.

Si Cascolan na ikalawang pinakamataas na opisyal ng PNP ang inatasan ni PNP Chief, Gen. Archie Gamboa ang mag-asikaso sa nasabing hakbang bilang bahagi ng kaniyang tungkulin sa itinatag na ASCOTF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap