MGA PINOY NA MULA WUHAN, CHINA, NASA PILIPINAS NA

DUMATING na sa bansa ang nasa 30 Filipino mula sa Wuhan, China kung saan nagsimula ang novel coronavirus (nCoV).

Lumapag ang eroplanong Royal Air bago mag 7 a.m. ngayong Lunggo sa Clark, Pampanga saka dumiretso sa Haribon Hangar ng Philippine Air Force.

Mula sa tinayang 50 Pinoy na makakasama sa flight, 30 lamang ang umuwi ng Pilipinas, kabilang ang isang bata.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bago mag 6 a.m. ngayong Linggo ay nasa himpapawid na pabalik ng Pilipinas mula Wuhan ang eroplano.

Pasado 10 p.m. ng Sabado ng umalis ang Royal Air sa Clark International Airport para sunduin ang mga Pinoy.

Ang mga Filipino mula Wuhan ay inasistehan ng walong miyembro ng Health Emergency Response Team (HERT) mula sa DFA at Department of Health. /lsr

Photo courtesy of DFA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap