MGA PINOY MULA SA CHINA, DARATING SA SABADO; IKU-QUARANTINE SA FORT MAGSAYSAY – PALASYO

NAKATAKDANG bumalik sa bansa ang unang batch ng mga Filipino na nagpasyang lisanin ang China sa gitna ng novel coronavirus (nCoV) outbreak, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na darating ang mga Pinoy sa Clark Airport sa Pampanga sa Sabado at iba-biyahe patungong drug rehabilitation facility sa loob ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija kung saan inaasahang sasailalim sila sa 14 araw na quarantine.

Aniya, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na magtungo sa Fort Magsaysay upang matiyak na magiging maayos ang proseso.

As of February 5, 2020, lumobo na sa 490 ang bilang ng mga nasawi sa nCoV na unang na-detect sa Wuhan City, sa China habang mahigit 20,000 ang infected ng virus.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nasa 300 ang mga Filipino sa Hubei province at 150 dito ay nasa Wuhan City na kasalukuyang naka-lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na virus. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap