MGA ESTUDYANTE AT TURISTANG NAIPIT SA LOCKDOWN MAKAKAUWI NA

BUMUO ng guidelines ang National Incident Command (NIC) na nasa ilalim ng National Task Force For COVID-19 upang makauwi at makapagbiyahe ang mga naipit o locally stranded individual (LSI) sa dalawang buwang enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration at miyembro ng NIC,
karaniwan aniya sa mga naipit ay mga estudyante, local tourists at mga nasa sektor ng pangangalakal o komersiyo.

Gayunman upang makapagbiyahe, kinailangang mag-apply ng travel permit ang mga LSI.

Kung biyahe aniya ay region to region at province to province, ang PNP regional director ang mag-iisyu ng travel permit na may koordinasyon sa Office of Civil Defense gayundin sa local government unit.

Kapag municipality to municipality, ang police provincial director ang magbibigay ng travel permit habang ang barangay to barangay travel ay ang chief of police ang mag-iisyu ng permiso na makapagbiyahe.

“Ang regional directors in coordination with OCD will be the one to issue travel permit sa LSI, kung region to region or province to province ang biyahe, kung municipality to municipality, sa provincial police magmumula ang permit, kapag barangay to barangay, sa chief of police manggagaling ang travel permit,’ paliwanag ni Cascolan

Pagdiriin naman ni Cascolan na ang
requirement para makakuha ng travel pass ay dapat COVID-19 free at nakakompleto ng 14-day quarantine ang traveling LSI.

Ang local goverment unit aniya ang magpoproseso para magbigyan ng health clearance ang LSI.

“Ang dapat matiyak bago payagang mag-travel ang LSI ay COVID-19 free, ang mga ito” dagdag ni Cascolan.

Paglilinaw naman ni Cascolan na hindi lamang sa pinanggalingan dapat may clearance ng biyahe kundi dapat ding may acceptance sa uuwiang lugar at mga daraanang rehiyon, lalawigan, bayan o lunsod at barangay ang LSI.

Dapat din aniyang well coordinated o alam ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Joint Task Force COVID Shield ang pagbiyahe ng LSI.

Layunin naman ng binuong operational guidelines para sa pagbiyahe ng LSI ay maiwasan ang pagkalito sa mga checkpoint at maging mabilis ang biyahe ng mga ito na paniguradong nakaranas ng lungkot, takot at pangamba sa loob ng dalawang buwang lockdown.EC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap