MGA BUS NA BIYAHENG PROBINSYA POSIBLENG BALIK OPERASYON NA SA MGA SUSUNOD NA LINGGO

MINAMADALI na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbabalik operasyon ng provincial buses sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB National Capital Region director Atty. Zona Russet Tamayo na posibleng bumalik na ang operasyon ng mga provincial sa mga susunod na linggo.

Aniya, wala pang eksaktong petsa subalit sinisikap nilang madaliin ang pagbubukas muli ng mga biyahe ng mga bus patungong mga lalawigan.

Inihayag ni Tamayo na sisimulan nila.ito sa mga probinsya na malapit sa Metro Manila, gaya ng Regions 3, 4A at 4B, at saka isusunod ang mas malalayong mga rehiyon.

Nakikipag-ugnayan pa aniya ang LTFRB sa concerned local government units para sa pagbuo ng uniform requirements para sa mga pasaherong papayagang bumiyahe sa iba’t ibang rehiyon.

Sinabi ni Tamayo na mayroong iba’t ibang suhestiyon ang mga LGU tungkol sa requirements.

Aniya, ang mga posibleng requirements ay travel clearance mula sa lokal na pamahaan kung saan nagmula ang pasahero, clearance mula sa Philippine National Police, at government-issued ID.

Idinagdag pa ni Tamayo na 50 percent lamang ng kapasidad ng bus ang papayang bumiyahe, alinsunod sa protocol ng national government. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap