MGA BUMBERO, BIBIGYAN NG ARMAS NGAYONG TAON.

Iginiit ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagbibigay ng armas ang mga kagawad ng Bureau of Fire Protection (BFP) ngayong taon.

“Maintaining law and order is not an easy task. Despite the decreasing crime rate in the country, having the BFP’s firefighters in our peace and order campaign is a boost and welcome addition in ensuring a safe and secure country,” ani Año.

Sinabi ni Año na ang pag aarmas sa mga personnel ng BFP ay kabilang sa mga direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para tumulong sa pangangasiwa sa law and order bukod sa pag apula sa mga sunog.

“The BFP also does law enforcement functions because they enforce the Fire Code so they already have some experience in this regard,” pagbibigay diin pa ni Año.

Ayon kay Año, 9mm pistol ang ibibigay na armas sa mga bumbero.

Dagdag pa ng opisyal na nag-request na ng pondo ang BFP sa Department of Budget and Management para sa pambili ng mga armas.

Bago aniya isyuhan ng armas ang mga bumbero ay isasailalim muna ang mga ito sa marksmanship at gun safety training. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap