METRO MANILA SASAILALIM SA GCQ SIMULA JUNE 1 – PRRD

IBABABA sa mas maluwag na general community quarantine ang Metro Manila simula sa June 1 sa kabila ng mga babala mula sa ilang eksperto na masyado pang maaga para luwagan ang mga paghihigpit upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte, Huwebes ng gabi, sinabi nito na mula sa modified enhanced community quarantine ay sasailalim ang National Capital Region simula sa June 1 kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Idinagdag ng Pangulo na mananatili ang Davao City sa ilalim ng GCQ habang ang regions Regions 2, 3, 4A, at mga lalawigan ng Pangasinan at Albay ay isasailalim din sa GCQ hangga’t hindi pa nare-review ang kabuuang sitwasyon.

Ang Cebu City naman ay isasailalim sa modified (MECQ), habang ang Iloilo City at Baguio City ay GCQ.

Idinagdag pa ng Pangulo na ang nalalabing bahagi ng bansa ay isasailalim sa modified GCQ.

“In other areas, it will be again on a piecemeal basis depending on the viability of the place to meet the challenges of COVID,” sabi pa ni Pangulong Duterte. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap