MANILA MAYOR ISKO MORENO TINAMAAN NG COVID-19

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa statement, sinabi ng alkalde na nakararamdam siya ng kaunting ubo at sipon, at masakit din ang kanyang katawan.

Sa impormasyon mula sa Manila Public Information Office (PIO), dinala si Moreno sa Sta. Ana Hospital.

Tiniyak naman ng alkalde na magpapatuloy ang serbisyo at operasyon ng pamahalaang lungsod laban sa COVID-19.

Bago mag-positibo sa COVID-19 ay ilang events ang hindi napuntahan ni Moreno dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Noong nakaraang linggo naman ay si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang nagpositibo sa COVID-19. (LSR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap