MALAKANYANG, NAGBABALA NA AARESTUHIN ANG MGA HOARDER NG BASIC COMMODITIES

Nagbabala ang Malakanyang na ipaaresto nila ang mga magsasamantala at magtataas ng presyo sa mga basic at key commodities particular ng alcohol, hand sanitizer at iba pa sa kasagsagan ng sitwasyon ng coronavirus disease o COVID-19.

“The Office of the President hereby gives warning to those hoarding vital commodities, which create a hike in the prices, as well as selling them beyond their regular prices, that their actions will be dealt with accordingly in pursuance of public safety and order,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ayon kay Panelo, papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang magsasamantala sa sitwasyon ngayon dahil nakalilikha lamang ito ng pagtataas sa presyo ng mga bilihin.

Kahapon ay nanawagan si Panelo sa publiko na huwag magpanic buying kasabay ng pagpapayo na bilhin lamang ang mga kinakailangan.

Una ng inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang dapat na ika-panic ang publiko dahil nakahanda ang gobyerno sa anumang mangyayari o lumala man ang sitwasyon sa covid-19 issue. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap