MAHIGIT 75% NG ECQ AYUDA, NAIPAMAHAGI NA SA NCR

Mahigit 75 porsyento ng cash assistance o ayuda ang naipamahagi na sa mga benipisyaryo na naapektuhan ng enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR), ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos ngayong Lunes.

Sinabi ni Abalos na maayos at mapayapa ang pamimigay ng ayuda at wala namang nangyaring super spreader event.

Isinailalim ang Metro Manila sa ECQ simula August 6 hanggang 20 dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Mahigit 11 milyong residente sa NCR ang nakinabang sa ayuda na P1,000 kada indibidwal o hanggang P4,000 kada pamilya. (LSR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap