LUZON-WIDE QUARANTINE EXTENDED HANGGANG APRIL 30

PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa Luzon hanggang April 30 upang masugpo ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles ngayong Martes.

Sinabi ni Nograles na tinanggap ng Pangulo ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na i-extend ang Luzon-wide quarantine hanggang 11:59 p.m. ng April 30 mula sa orihinal na pagtatapos nito sa April 12.

Una nang inanunsyo, kagabi ni Pangulong Duterte sa kaniyang televised speech na pabor siyang palawigin ang Luzon-wide quarantine hanggang katapusan ng Abril. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap