LOCKDOWN SA NEW ZEALAND, INALIS NA

Tuluyan nang na-lift ang lockdown sa New Zealand matapos nito maging matagumpay sa laban kontra COVID-19.

Ibig sabihin ay papayagan na muli ang mga tao na magtipon-tipon sa mga restaurants, at iba pang pampublikong lugar.

Pahihintulutan na rin sa nasabing bansa na may 5-milyong populasyon, ang mga kasal kung saan ay hindi na kailangan mag-social distancing; at pwede nang bumalik ang mga tao sa pre-pandemic normal, o ang klase ng pamumuhay bago umusbong ang pandemya.

Sinabi ng mga opisyal ng naturang bansa na wala na itong mga aktibong mga kaso, at wala rin naitalang bagong infections.

Ipinunto ng Ministry of Health ng New Zealand na 48-oras nang walang sintomas ang huling COVID-19 patient ng bansa habang patuloy na sumasailalim sa gamutan.

Matatandaan na umabot lamang sa 1,504 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa New Zealand kabilang na ang 22 nasawi.

Samantala, sa huling tala naman ng John Hopkins Reource Center ay umabot na sa mahigit 7.1-million ang bilang ng mga kaso sa buong mundo, kabilang na ang 407,818 death toll, at mahigit 3.3-million recoveries. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap