LOAN PARA SA MICRO, SMALL AT MEDIUM BUSINESS, PINO-PROSESO NA NG DTI

Sisimulan na ng Department of Trade and Industry ang pagproseso ng loan para sa micro, small at medium businessmen na na-displace ng COVID-19 pandemic sa June 1.

Naglaan ng P1-bilyong pondo ang small business corp. ng DTI para sa loan ng P10,000 hanggang P500,000 depende sa laki ng negosyo.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez , maaaring tumaas ang isang P1-bilyong loan fund.

Iminumungkahi rin ng kongreso ang karagdagang pondo para sa SB Corp. upang payagan itong direktang mahawakan ang loan.

Sa ilalim ng umiiral na network nito, mayroong 400 hanggang 500 microfinance o credit delivery partners ang SB corp. (JM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap