LGUs INATASAN NI PANGULONG DUTERTE NA SUMUNOD SA NATIONAL GOVERNMENT

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang local government units na sumabay sa hakbang ng national government sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Sa kanyang talumpati ngayong Biyernes ng umaga, nanawagan ang Pangulo sa mga LGU na nagpapatupad ng sariling polisiya na iba mula sa itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

“Do not make this quarantine more difficult for the people than it already is,” ani Pangulong Duterte. “LGUs should take note of this.”

“If you go beyond the standards that we have set, you are abusing your authority.” dagdag pa nito.

Partikular na nanawagan ang Pangulo sa mga local government na umano’y nagpapatupad ng sariling polisiya sa biyahe ng mga cargo at goods.

“When the (IATF) says do not restrict the cargo of whatever type, then no LGU should say they only… allow food or essential goods to come in. You are already setting your standards and making this quarantine more difficult for all,” sabi ng Pangulo.

Una nang tiniyak ng Department of Trade and Industry na malayang bumiyahe ang mga sasakyang may dalang essential goods gaya ng pagkain, gamot at medical equipment.

Inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of the Interior and Local Government at ang Department of Justice na i-monitor at pag-aralan ang posibleng kaso laban sa LGUs na hindi tatalima.

“Sundin na lang natin, para naman ito sa lahat,” dagdag pa ng Pangulo. /lsr

(Photo courtesy of Sen. Bong Go)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap