KOBE, GIANNA BRYANT INILIBING NA

INIHATID na sa kanilang huling hantungan ang mag-amang Kobe at Gianna Bryant sa sa pamamagitan ng pribadong seremonya sa Southern California noong Biyernes, ayon sa report ng ilang media outlets.

Batay sa death certificate ni Kobe, iniulat ng KTTV na affiliate ng Los Angeles Fox, na inilipat ang labi ng dating Lakers star at ng anak nito sa Pacific View Memorial Park and Mortuary sa Corona del Mar.

Ang Corona del Mar ay isang komunidad sa loob ng Newport Beach kung saan naninirahan ang pamilya Bryant.

Ang 41-anyos na si Kobe at anak nitong si Gianna, 13-anyos, ay kabilang sa siyam na kataong nasawi sa pagbagsak ng sinasakyan nilang helicopter sa Calabasas, California noong January 26.

Itinakda naman ang public memorial service para sa mag-amang Bryant sa February 24 sa Staples Center. /lsr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap