KAUNA-UNAHANG KASO LAMBDA VARIANT NA-DETECT SA PILIPINAS

Na-detect sa Pilipinas ang kauna-unahang kaso ng Lambda coronavirus variant na unang nakita sa Peru, ayon sa Department of Health.

Ayon sa DOH, ang unang kaso ng Lambda variant ay 35-anyos na babae at kasalukuyan pang bina-validate kung local o returning overseas Filipino case.

Sinabi ng DOH na asymptomatic ang pasyente at ikinunsidera nang nakarekober matapos sumailalim sa 10-day isolation period.

Nagsasagawa ngayon ang DOH ng back tracing at case investigation.

Ang Lambda variant ay classified bilang variant of interest ng World Health Organization noong June 14.(LSR)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap