KAUNA-UNAHANG GAMOT PARA SA COVID-19, INAPRUBAHAN NA SA CHINA

Inaprubahan na sa China ang kauna-unahang gamot na makatutulong daw sa mga pasyente laban sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Taizhou Government sa Zhejiang Province sa China, aprubado na para ibenta sa merkado ang gamot na Favilavir, na dating Fapilavir, na maituturing daw na epektibo bilang antiviral.

Na-develop ang naturang gamot ng Zhejiang Hisun Pharmaceutical Company bilang unang anti-novel coronavirus drug.
Ang Zhejiang Province ay mayroong COVID-19 case ng mga pasyente na umaabot na sa 1,167.

Sa ulat ng Ministry of Science and Technology, isa ang Favilavir sa tatlong gamot na epektibo sa paggamot sa novel coronavirus matapos ang isinagawang mga clinical trials. (Jane Manalastas)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap