KASONG ADMINISTRATIBO AT KRIMINAL ISASAMPA SA MGA LGUs NA MAPAPATUNAYANG NAGPABAYA SA PAMAMAHAGI NG CASH AID- DILG

Binalaan ng spokesman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local officials na maaari silang masampahan ng reklamo kapag napatunayang may kapabayaan sila sa pamimigay ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ang kapabayaan ng mga barangay officials sa SAP aid distribution ay case to case basis.

“Of course may accountability ang public officials, may MOA (memorandum of agreement) nga sila. But of course we will take this on a case to case basis kasi kailangan muna nating malaman kung ano ang dahilan ng pagkaantala,” saad ni Malaya .

Sinabi pa ni Malaya na tiniyak ng kanilang ahensya na mananagot ang mga opisyal ng local government units (LGUs) na mapatutunayang nagpabaya kaya’t naantala ang pamamahagi ng cash aid.

Gayunman, tiniyak din ni Malaya na na dadaan naman sa due process ang mga inaakusahang opisyal.

“Baka naman beyond their control at pagganon, we have to give them due process. Pero pag may lumalabas na kapabayaan, hindi talaga nila inasikaso ng maayos, posible talaga silang maharap sa mga administratibo at kriminal na kaso,” ani Malaya.

Ngayon ang huling araw ng pamimiigay ng cash assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryos sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Ayon naman kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, noong April 3 pa nasa local government units ang cash. (JM).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap